YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, January 11, 2012

Pulis sa Malay na namaril ng media man sa Kalibo, kinumpirma ni PD Defensor

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Tila tagilid ngayon ang  sitwasyon ng isang pulis na naka-assign sa  Malay Police station, matapos kumpirmahin mismo ni Police Senior Supt. Cornello Defensor, Provincial Director ng Aklan Police Provincial Office (APPO) na si PO2 Larry Molo mismo ang nagpaputok at namaril sa kasagsagan ng sadsad kagabi, batay sa isinagawang imbestigasyon ni Defensor.

Nilinaw ni Defensor na walang nangyaring pamamaril doon, kundi nagmula mismo sa pulis ang bala na tumama din sa kaniyang sarili.

Mismong ang Provincial Director din ang nagkumpirma na tinangka aniyang barilin ni PO2 Molo ang media man na si Jojit Reyes, subalit ang sibilyang si Johnny Sitjar ang timaan sa kanang braso nito.

Inawat at piniliit umanong kunin ng kasamang pulis na nagsasadsad din ang baril mula kay Molo at sa pag-tabig aniya sa baril ay sa katawan mismo ng biktimang pulis ito pumutok, rason para magtamo ng pinsala sa kanyang baywang.

Nangyari ang insidente makaraang sitahin di umano ng media man si Molo dahil sa di kanais-nais nitong gawain dahil nasa impluwensiya na rin ng alak hanggang sa nagkagulo at masuntok din Molo.

Samantala, dismayado naman si Defensor dahil sa pangyayaring ito sa kabila ng maaga niyang paalala sa mga pulis at sa hindi nito pagpayag na magsadsad ang grupo ng mga pulis dahil kailangan ang serbisyo ng mga ito sa kasagsagan ng pagdiriwang ng kapistahan ni Sr. Sto. NiƱo sa Kalibo.

Umaasa sana ang nasabing Provincial Director na makakatulong ito sa pagbabantay para sa kaligtasan ng publiko sa selebrasyong ito.

No comments:

Post a Comment