Ni Edzel Mainit, Senior Field
Reporter, YES FM Boracay
Katulad ng konseho, hindi umano i-endorso ng kooperatiba ang
mga unit ng tricycle kapag nakita nilang nabubulok na ito ayon kay BLTMPC Board
Chairman Ryan Tubi.
Katunayan sa pag-inspeksiyong ginagawa sa mga unit ng
tricycle sa isla maliban sa pagsisiyasat na ginagawa ng konseho, naghigpit at
nagsimula na rin ang BLTMPC o Boracay Land Transportation Multi-purpose
cooperative na mag-inspeksiyon sa mga unit nitong Lunes.
Kinlaro din ni Tubi na ang pagbibenta sa mga prangkisa ay
bawal talaga, subalit matagal na rin itong ginagawa kaya nakasanayan na rin
dahil wala naman ginagawa ang SB sa gawaing ito.
Kaya dapat ang konseho na rin umano ang gumawa ng aksiyon
ukol dito.
Maliban din kasi sa isyu ng pagbebenta sa mga prangkis,a may
ilang impormasyon ding sa iisang prangkisa dalawa o tatlo ang unit, na mariing
ipinagbabawal din ayon dito.
Pero wala pa naman umano silang nalalaman na gumagawa nito,
sapagkat dapat sa bawat isang prangkisa, isang unit lang din ang pwede.
Ang pahayag na ito ay bilang reaksiyon ng kooperatiba sa
plano ng konseho na maghihipit na pagdating sa pag-endorso at paggamit ng
prangkisa lalo na ng mga tricycle sa Boracay.
No comments:
Post a Comment