Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay
Nangako si Punong Barangay Abram Sualog ng Manoc-Manoc na papatingnan nito ang sitwasyon sa Sitio Tambisaan partikular sa area ng pantalan at kalapit na lugar doon, kung saan nirereklamo ng ilang residente at stakeholder na di umano ay madumi ang bahaging ito dahil sa basura na natangay ng tubig at mga itinapong doon.
Ayon sa Punong Barangay, ang reklamong ito ay ipapasilip niya sa Brgy. Kagawad na assigned sa nasabing lugar para maaksiyunan agad.
Matatandaang nitong nagdaang Disyembre ay minsan na ring sinagot ni Island Administrator Glenn SacapaƱo ang reklamo ukol dito, at nangakong ipapa-inspeksiyong nito sa monitoring team, nang sa ganon kung kinakailangan na maglagay ng taong taga linis sa lugar na ito ay gagawin nila.
Subalit, tila nababato na sa kakabantay ang ilang residente doon sa tugon di umano ng lokal na pamahalaang ng Malay, ngunit hanggang sa ngayon ay hindi parin nabibigyan aksiyon.
Hiniling din ng publiko sa lugar na iyon ay bigyang atensiyon din ang back beach, gayong may mga picnic site sa lugar na ito at nakakahiya para sa isla na makita ang sitwasyong ito ng mga turista sa kabila ng biniayad nilang ng envirornmental fee.
No comments:
Post a Comment