YES THE BEST 911 BORACAY

Sunday, January 08, 2012

Mutya ag Lakan it Kalibo Ati-atihan 2012, nakoronahan na

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Kinoronahan  na si Ivy Vidal mula sa bayan ng Batan, makaraang nasungkit nito ang titulo bilang Mutya it Kalibo Ati-Atihan 2012 kagabi sa ginanap na na Mutya ag Lakan it Kalibo Ati-atihan 2012.

Nakuha naman ni Shem Ragalado mula sa bayan ng Kalibo ang koruna at titulong Lakan it Ati-Atihan 2012.

Samantala, nasungkit naman nina Liezl Dumaguin mula sa bayan ng Buruanga at Ramon Alex ng bayan ng Ibajay ang unang pwesto bilang Mutya at Lakan sa nasabing patimpalak.

Pangalawang pwesto naman ang nai-uwi nina Diasy Batch ng Balete at Elven Tiel ng Tangalan.

Bagamat, hindi naiuwi ang korona ng kandidata at kandidato ng bayan ng Malay sa ginanap na pageant kagabi, nag bitbit naman ng tatlong awards ang representante ng bayan sa Mutya ng Ati-atihan na si Olive Absalon.

Gayum paman, kahit hindi nagwagi at nakakuha ng pwesto si Absalon at kandidato sa Lakan ng Malay na si Ken Cahilig, naging maganda naman ang ipinakitang performance ng dalawa.

Ang Mutya ag Lakan it Kalibo Ati-Atihan 2012, ay isa sa mga nagbibigay kulay sa taunang selibrasyong ng Kalibo, Ati-atihan Festival, kung saan ngayong 2012 ay gaganapin ito sa darating na katorse at a-kinse ng buwang kasalukuyan.

No comments:

Post a Comment