Ni Edzel Mainit, Senior Field
Reporter, YES FM Boracay
Iba’t ibang sentimiyento ang baon ng mga konsehal sa unang
sisyon ng Sangguniang Bayan ng Malay ngayong 2012 na isinagawa kahapon araw ng
Martes.
Una rito, suliranin ukol sa mga pakalat-kalat na mga vendors
sa front beach ang suliranin sa isla na nakita ang mga SB, gayon din bigat ng
trapiko at suliranin ukol sa mga tricycle na isinatinig ni SB Member Dante
Pagsugiron.
Pinuna din ng konseho ang suliranin ukol sa obserbasyon nila
sa trabaho at kapasidad ng bagong mga miyembro ng Municipal Auxiliary Police o
MAP.
Mula sa planong pagpapatupad ng color coding sa mga tricycle
sa Boracay, lalo pa at nasa ordinansa naman ito at ngayon palang ipapatupad.
Nakita at nababahala na rin ngayon ang konseho sa mahabang
pila ng mga tricycle na nagpapasikip sa kalsada na tumatakbo sa mainroad na
wala naman pasahero ang iba ayon kay SB Member Rowen Agguire, kaya nais na ng
lokal na mambabatas na ipatupad na ito.
Hindi rin pinalampas ng konseho ang obserbasyon nila hingil
sa mga tricycle driver sa Boracay.
Una rito ay ang kawalan di umanong barya na dapat ay
inihahanda agad ng mga tricycle driver para panukli sa mga pasahero.
Kung saan ang bagay na inaasahan nila na sa bawat pasada ay
may nakahandang barya ng sa ganon ay hindi maantala ang mga pasahero at
maka-abala sa kapwa driver na minsan ang nangyayari ay paparahan pa sa gitna ng kalye upang
magpabarya, ayon kay SB Esel Flores.
Aniya kung kina-kailangang magdala ang mga driver ng
timba-timbang barya mas mainaman sana.
Dahil dito, hiling ng konseho sana ikunsidera din ng mga
operator ng ganitong obserbasyon, bagay na ipapa-abot umano nila sa mga
operator ang ukol dito.
No comments:
Post a Comment