Ni Edzel Mainit, Senior Field
Reporter, YES FM Boracay
Nasa plano na rin ng Sangguniang Bayan ng Malay na higpitan
at ipa-inspeksiyong mabuti ang mga tila nabubulok na na mga unit ng tricycle sa
Boracay, gayong turista ang pangunahing pinagsisilbihan ng mga ito.
Partikular na tinukoy ng konseho kung kumpleto pa ang mga
ilaw at ilang parte ng sasakyan bago aprubahan at makapag-renew para sa
operasyon ng mga ito sa taon 2012, at mangyayari iyon sa tulong ng
transportation officer.
Maliban dito, pinuna na rin ng konseho ang hinggil sa bentahang
nangyayari ng prangkisa, gayong mariing ipinagbabawal ito.
Kaunay nito hiniling ni Vice Mayor Ceceron Cawaling na kung maaari
para maiwasan na ang ganitong gawain dahil maging sila na lumalagda sa dokumento
kapag magre-renew ay sumasakit na ang ulo at nadadamay.
Ito ay dahil pati ang patay na na may mamay-ari ng prangkisa
ay binubuhay pa umano, gayong bawal sanang ilipat sa pangalan ng iba o ibenta
ito.
Kaya ayon sa Bise Alkalde, kailang balikan o i-review nila
ang mahahalagang bagay at nakasaad sa batas ukol dito para mawala na rin ang
isyu na pati sila ay nadadamay na dahil sa pagpapahintulot nila.
No comments:
Post a Comment