YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, June 08, 2016

Electrician, inireklamo ang amo matapos paalisin sa trabaho

Posted June 8, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for doleHindi makapaniwala ang isang Electrician na nag-tatrabaho sa isang kumpanya sa Boracay matapos itong paalisin ng kanyang amo ng wala umanong kadahi-dahilan.

Nakilala ang biktima na si Jowisking Bernales 38-anyos residente ng Maayon, Capiz habang temporaryong nakatira sa Sitio Lugutan sa Brgy. Manoc-manoc.

Sumbong ng biktima sa Boracay PNP, nasa trabaho umano siya ng tawagin ng kanyang amo at pinag-sabihan na tanggal na ito sa kanyang trabaho.

Ikinagulat naman umano ito ng biktima dahil wala naman umano siyang nakikitang dahilan para sisantihin ng kanyang amo.

Salaysay pa ng biktima bago ang insidente ay tinulungan niya lang umano ang kanyang katrabaho na ilang beses ng nade-delay ang sahod.

Nabatid, na mahigit isang taon ng nagtra-trabaho sa kanyang amo ang biktikma.

Samantala, idinulog naman ng Boracay PNP ang kaso sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Filing ng SOCE sa Comelec hanggang ngayong araw nalang

Posted June 7, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Ngayong araw nalang ang huling filing ng Statement of Contributions and Expenses (SOCE) sa Comelec ng mga kandidadatong tumakbo sa national and local election nitong Mayo.

Ito ang sinabi ni Malay Comelec Officer II Chrispin Raymund Gerardo, kung saan hindi na umano sila magbibigay ng ekstensyon pa.

Aniya ang hindi makakapag-file ng SOCE ay maaaring maharap sa administrative fine na nagkakahalaga ng P10,000 hanggang P30,000 dependi sa kanilang posisyon na tinakbuhan o ma-diskwalipika at maaaring hindi payagang tumakbo sa mga susunod na halalan.

Nakasaad umano sa Section 11 ng Omnibus Election Code na binibigyan ang mga kandidato ng hanggang 30 days matapos ang eleksyon para e-file ang kanilang SOCEs, kahit na nanalo pa umano ang mga ito o natalo.

Nabatid na ang Comelec at ang Department of Interior and Local Government ay mayroong kasunduan na hindi pahihintulutan ang mga nanalong kandidato na hindi nakapag-file ng SOCEs na umapo sa kanilang pwesto, lokal man o national.

Samantala, kung dalawang beses naman umanong hindi nag-file si kandidato kasama ang nakaraang eleksyon niya ay pwede siyang maging candidate para sa perpetual disqualification case na humawak ng public office kahit na appointive o elective.

Tuesday, June 07, 2016

Marine Conversation Camp para sa Filipino Youth sa Boracay, nagsimula na

Posted June 7, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for Young Southwest Asian Youth leaders Initiative (YSEALI) SeaNagsimula na kahapon ang Marine Conversation Camp sa isla ng Boracay para sa mga Filipino Youth ng Young Southwest Asian Youth leaders Initiative (YSEALI) Sea at Earth Advocates (SEA) Camp na magtatapos ngayong linggo.

Ito ay proyekto naman ng Save Philippine Seas (SPS) at U.S. Embassy sa Manila kung saan kahalintulad din ito sa UN World Oceans Day, Coral Triangle Day, at Philippine Independence Day.

Layunin ng YSEALI SEA Camp ay magbigay ng kaalaman sa mga Filipino Youth na may edad 18 hanggang 23-anyos na makibahagi sa malaking tungkulin sa konserbasyon.

Nabatid na dalalawangput lima naman ang kasali rito na galing sa ibat-ibang bahagi kapuluan sa bansa ang napili mula sa apat na raang aplikante. 

Maliban dito, sasailalim ang mga lalahok sa intensive leadership at environmental education program, educational activities katulad ng panel discussion, workshops, snorkeling at site visits sa turismo ng Boracay.

Samantala, sa huling dalawang araw naman ng SEA Camp, ang mga partisipante ay itutuloy ang apat na proyekto dito sa Boracay na kinabibibilangan ng waste management initiative na ang layunin ay mabawasan ang paggamit ng straws at sachets.

Malaking kumpanya sa bansa balak na palagyan ng tulay ang Boracay

Posted June 7, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for tulayLumutang ngayon ang balita na isang malaki at kilalang kumpanya sa bansa ang nagbabalak na palagyan ng tulay ang isla ng Boracay na mag-kokonekta sa mainland Malay.

Ito ay may taas umanong 1.9-kilometer habang ang pondo ay tinatayang aabot sa P4.6 billion.

Nabatid na ang connectivity project umanong ito ay para sa kaganihawaan ng mga turista kung saan maaari umano ang mga itong manuluyan sa Caticlan at e-enjoy lamang ang view ng Boracay upang makaiwas sa sikip at problema sa mga sewerage.

Ang pahayag namang ito ay nag-resulta ng ibat-ibang reaksyon mula sa publiko lalo na sa mga taga-Boracay kung saan ang ilan ay pabor rito at ang ilan naman ay tila tutol sa pinaplanong proyekto.

Maalalang napag-usapan na noong nakaraang taon sa SB Session ng Malay ang pagpapatayo ng tulay sa Boracay ng isa ring malaking kumpanya mula naman sa ibang bansa.

Babaeng Service crew, ninakawan at tinangkang gahasain sa Boracay

Posted June 7, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for nilooban ng magnanakawIsang babae ang dumulog sa himpilan ng pulisya upang isumbong ang nangyaring nakawan sa kanyang tinutuluyang boarding house sa Sitio, Angol Brgy. Manoc-manoc Boracay.

Sa report ng Boracay PNP, nakilala ang biktimang si Angeline Idala, 25-anyos na nagtratrabaho bilang isang service crew at residente ng Libacao, Aklan habang bigo namang matukoy ang suspek na nakasuot umano ng pulang jersey, nakasinturon at kayumanggi ang kulay.

Sumbong ng biktima, nagising nalang umano siya na may isa ng lalaki sa kanyang harapan at wala ng suot pang-ilalim dahilan para agad niya itong itulak papalayo, sabay mabilis na tumayo para sana paandarin ang ilaw ngunit, pinigilan siya ng suspek at mabilis na tumakas papalayo.

Samantala, ng makaalis na ang suspek ay dito napansin ng biktima na nawawala na ang kanyang wallet na naglalaman ng pera.

Sa ngayon, patuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng mga pulis ng Boracay PNP.