Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES THE BEST Boracay
Nakapagtala ngayon ng mas mataas na bilang ng turista ang
buwan ng Marso kumpara sa nakaraang taon sa kaparehong ding buwan.
Sa datos na ibinigay ng Malay Municipal Tourism Office
(MTO), sa nakaraang March 2017 nakapagtala lamang sila ng 167, 445 habang ngayong
March 2018 umaabot ito sa 177, 081 na turistang nagbakasyon at piniling mag
holy week sa isla ng Boracay.
Sa pahayag ng Municipal Tourism Office, kaya dumami ang
bilang ng turista ngayong buwan ng Marso ito’y dahil sa mga cruise hip na
dumaong nitong nakalipas na araw.
Samantala, nangunguna parin ang bansang China na may
pinakamataas na bilang ng turista na bumisita sa isla, na sinundan naman ng
Korea, USA, UK, Taiwan, Hongkong, Malaysia, Russia, Australia at Germany.
No comments:
Post a Comment