Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES THE BEST Boracay
Itinigil na ng lokal na pamahalaan ng Malay ang pag-isyu
ng special permits para sa malalaking events sa nalalapit na LaBoracay.
Sa inilabas na kalatas ng LGU-Malay, “unanimous” ang
kanilang naging desisyon na ihinto ang pag-isyu ng permit sa mga malalaking events
at organizers ng taunang LaBoracay na mangyayari mula Abril 27 hanggang Mayo 2.
Ang hakbang na ito ng LGU-Malay ay suporta umano sa
isinasagawang rehabilitasyon sa isla dahil nakikita nilang maaaring mag-iwan
ito ng tambak na basura at wastewater sakaling pahihintulutan ito.
Kaugnay nito, pinapahintulutan naman ang mga maliliit na
organizers na magsagawa ng kanilang event.
Nabatid na ang LaBoracay ang pinakamalaking taunang event
sa isla na dinadagsa ng mga mahigit kumulang 50,000 partygoers taon-taon.
No comments:
Post a Comment