Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES THE BEST Boracay

Ito ang pahayag ni Thomas Santiago, Presidente ng Boracay
Filipino Chinese Association sa ginawang press conference ng kanilang grupo
kaugnay sa planong rehabilitasyon at paghahanap ng solusyon para maisaayos ang
isla.
Ani Santiago, may ilang inisyatibo at paraan na sila para
makatulong na hindi ipasara ang Boracay katulad aniya ng paggamit ng
teknolohiya para madaling malinis ang tubig at pwede umano nila itong
ipanukala.
Nagbigay na umano ng proposal ang kanilang grupo sa LGU
Malay kung saan nakapaloob dito ang technology na makakatulong sa water
treatment ng Boracay.

Aniya, apektado na kasi ang ibang flights na papunta ng
Boracay halimbawa umano dito ang mga turistang Taiwanese na nagkansela na ng
biyahe ngayong buwan.
Dagdag pa nito hindi kailangan magdeklara ng “total
closure” sa Boracay dahil maraming maaapektuhan kung ipapasara ito lalo na ang
kanilang tour guide association.
Apela nito sa National Government na huwag basta-bastang
isara ang Boracay na siyang tourist destination ng marami lalo na ng mga
turistang Chinese na siyang may pinakamataas na bilang na bumibisita sa isla.
No comments:
Post a Comment