Yes The Best Boracay NEWS ----Idinulog ni Liga President at Caticlan Punong Barangay
Julieta Aaron sa Sangguniang Bayan ng Malay ang problema hinggil sa ruta at
boundary ng dalawang asosasyon ng traysikel na MATODA TMPC ng Malay at UNRITODA
ng Nabas.
Una rito, inilipat na ng pamunuan ng Caticlan Airport ang
arrival area ng mga pasahero ng eroplano sa Barangay Union na sakop ng bayan ng
Nabas at hindi na hinahatid sa mismong arrival area ng nasabing paliparan.
Bago ang paglipat sa Union, ang MATODA ang siyang
pumipila sa labas ng airport at naghahatid ng mga turista at pasahero sa
Caticlan Jettyport.
Ang problema ayon kay Aron ay nag-umpisa nang hindi na
pinayagan ang MATODA na pumila sa Union at ibinigay na ito sa UNRITODA dahil
sakop na raw ito ng Nabas.
Dagdag pa ni Aaron, nitong nakalipas na araw ay nagpulong
na sila kasama ang MATODA at UNRITODA at nagkaroon ng pansamantalang kasunduan
subalit nagkaroon ulit umano ng problema dahil sa usapin ng boundary ng Nabas
at Malay.
Sa panayam kay MATODA TMPC Chairman Alex Nadura, wala
naman silang problema kung hindi sila papilahin sa Union, Nabas subalit hiling
din ng kanilang grupo na huwag din papilahin ang UNRITODA sa Caticlan.
Sa plenaryo, ani Malay Vice Mayor Abram Sualog nagkaroon
ng problema problema dahil hindi manlang inabisohan ang Lokal na Pamahalaan ng
Malay sa pagbabago ng dalawang pamunuan ng transportasyon.
Sa ngayon nais ni Aron na magkaroon ng joint session ang
Sangguniang Bayan ng Nabas at Malay kasama ang Sangguniang Panlalawigan ng
Aklan upang maayos ang isyu ng boundary ng dalawang munisipalidad at ruta ng
dalawang TODA.
No comments:
Post a Comment