Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES THE BEST Boracay
Arestado ang dalawang lalaking nagtatrabaho sa isang
watersports company matapos mahulihan ang mga ito ng baril sa Sitio
Ilig-iligan, Barangay Yapak kagabi.
Ang mga suspek ay kinilalang sina Edu Laman, 37-anyos ng Iloilo at Alejandro Adorador, 25-anyos ng Badiangan Iloilo at
pansamantalang nakatira nasabing lugar.
Ayon sa blotter report ng Boracay PNP, nakatanggap ng
tawag mula sa isang concern citizen ang mga naka-duty na Maritime Police sa
lugar na mayroong reklamo sa mga umiinom malapit sa isang bar sa lugar.
Dali-daling pinuntahan ng mga pulis ang lugar at habang
sila ay papalapit, mabilis namang nagsitakbuhan ang mga ito at doon napansin ni
PO1 John Rey Rodrigo na may hawak-hawak na baril si Laman.
Agad naman itong nahuli at nakuha sa posisyon ng mga
suspek ang dalawang long firearms na M16 A1 at isang 9MM na baril.
Ang dalawang suspek ay nakatakdang sampahan ng kasong
Violation of RA 10591 o Illegal possession of firearms and ammunitions.
No comments:
Post a Comment