Posted December 11, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Makikiisa ang
Local Government Unit ng Malay sa National Simultaneous Earthquake Drill sa Biyernes,
Disyembre a-kinse.
Ayon kay
Catherine Ong ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office
(MDRRMO) Malay, ito ay gaganapin ng sabay-sabay sa mga tanggapan ng NGO, mga paaralan
at mga establisyemento na magsisimula alas-9 ng umaga.
Nabatid na lahat
ng empleyado ng LGU Malay kasama ang Bureau of Fire Protection ay sama-samang
gagawin ang simultaneous earthquake drill sa pamamagitan ng pagtakip ng
kanilang ulo ng kanilang mga kamay o “duck,
cover and hold” habang lumalabas sa gusali.
Ang nasabing
aktibidad ay isa umanong paraan upang maging handa ang bawat isa sa posibleng
maranasang kalamidad lalo na sa panahon ng lindol.
No comments:
Post a Comment