Posted November 23, 2017
Ni Teresa A. Iguid, YES THE BEST Boracay
Umabot sa 14% ang
itinaas ng tourist arrivals sa Isla ng Boracay mula sa buwan ng Enero-Oktobre
ng taong kasalukuyan.
Base sa datos na
inilabas ng Aklan Provincial Tourism Office (APTO) nagpapakita na mula sa 1,466,796
tourist arrivals ng nakalipas na taon ay tumaas ito ng 1,669,751 sa parehong
panahon.
Sa tala ng APTO Boracay
Statistics 2016-2017 nagpapakita ng positibong pagtaas ng bilang ng mga turista
kung saan ang buwan ng Abril ang may pinalkamataas na rate na umaabot sa 27%.
Samantala, magmula
sa buwan ng Enero hanggang Octobre, nakalikom ng P46,526,574,162 tourism
receipts mula sa overseas Filipinos, foreign visitors at domestic tourists.
No comments:
Post a Comment