Posted November 23, 2017
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES THE BEST Boracay
May bago nang head ang Provincial Environment and Natural
Resources Office (PENRO) Aklan.
Ito ay sa katauhan ni Bernabe Garnace na siya ngayong
itinalagang OIC ng PENRO Aklan nito lamang Lunes Nobyembre 20 taong kasalukuyan
kapalit ni Ivene Reyes na umano’y na-dismissed ng ombudsman dahil sa
katiwalian.
Bago nito, nanilbihan muna bulang Community Environment
and Natural Resources Officer si Garnace sa Mambusao, Capiz bago ibinigay sakanya
ang bagong posisyon sa inilabas na Special Order No. 2017-422 ng Department of
Environment and Natural Resources (DENR) in Western Visayas.
Kilala rin siya dahil sa naging coordinator din ito ng DENR
National Greening Program sa Capiz.
Samantala, aasahang dadalo si Garnace sa nakatakdang
symposium na gagawin sa Boracay sa susunod na linggo kung saan tatalakayin ang
sitwasyon ng isla at usaping kalikasan.
No comments:
Post a Comment