Posted December 22, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST
Boracay
Naka-heightened
alert ngayong holiday season ang hanay ng Bureau of Fire Protection Unit (BFP)
Boracay.
Sa pagbisita nina Fire Officer 2 Jay Ares
Cavan at Fire Officer 1 Anabel Villanueva
ng BFP Boracay nitong Sabado sa programang Boracay Goodnews, inilatag
nila dito ang kanilang mga paalala sa publiko patungkol sa papalapit na bagong
taon at sa paggamit ng paputok.
Ipinaalala ni
Villanueva sa mga bumibili ng Christmas Light na i-check ng mabuti kung
aprubado ito ng DTI at kung may nakalagay itong Import Commodity Clearance
(ICC) dahil ito ang siyang patunay na nakapasa ito sa Product Standard (PS).
Samantala, kung
sa pagbibili naman ng paputok sa bagong taon mas mainam na magsagawa nalang ng
mga pampaingay sa bahay kagaya ng turotot kaysa bumili ng paputok nang sa gayon
ay iwas- disgrasya.
Dagdag pa ni
Cava, kung bibili naman umano ng paputok ay mas maiging bilhin ito sa mga
Display Center at may permit dahil ang mga ay sumailalim sa inspection ng bureau.
Dagdag pa nito
patuloy din ang kanilang pagbibigay ng mga flyers o mga paalala sa mga
residente sa Boracay tungkol sa pag-iwas sa sunog at pinasiguro na mag-aantabay
sila lat naka-alerto lalo na sa new year’s eve celebration.
No comments:
Post a Comment