Tuesday, February 24, 2015

OIC PSInspector Frensy Andrade nanguna sa muling pagsupgpo sa illegal commissioner sa Boracay

Posted February 24, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Mismong si OIC ng Boracay PNP PSInspector Frensy Andrade ang nanguna ngayong hapon sa pagsugpo sa mga illegal commissioner sa isla ng Boracay.

Ito’y dahil sa patuloy na operasyon ng mga commissioner na walang kaukalang permit mula sa LGU Malay na pakalat-kalat sa beach front ng Boracay.

Kasama naman nito si Police Community Relation Officer PO3 Cristopher Mendoza at ang mga bagong assigned na police sa isla.

Kaugnay nito nakipagtulungan naman sa kanila ang Municipal Auxiliary Police (MAP) at ang Philippine Army kung saan sinuyod ng mga ito ang beach station 1 and 2.

Nabatid na mayroon paring mga illegal commissioners na nagsasagawa ng kanilang operasyon matapos ang mahigpit na pagbabawal ng Local Government Unit ng Malay sa mga ito.

No comments:

Post a Comment