Posted February 25, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Ayon sa blotter report ng mga pulis, nasa ilalim ng
nakalalasing na inumin ang driver ng motorsiklo kaya’t nawalan ito ng balanse habang
papaliko sa access road papuntang Boracay PNP Station at bumangga sa isang tricycle
na papuntang D’ Mall.
Kaagad isinugod sa pagamutan ang drayber ng
motorsiklo dahil sa tinamo nitong sugat sa iba’t-ibang parte ng katawan dulot
ng insidente.
Samantala, sa presento ng Boracay PNP, nagkasundo
ang magkabilang panig na hindi na magsasampa ng kaso lalo pa’t wala namang
gaanong pinsala ang kanilang mga sasakyan.
No comments:
Post a Comment