Wednesday, February 25, 2015

Mga nag-uumpukang komisyoner at bangka sa Station 3 Boracay, inireklamo

Posted February 25, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Image result for station 3 manoc-manoc boracay“Sobrang crowded na”

Ito ang reklamo ng ilang establisyemento at maging ng mga turista sa Station 3 Manoc-Manoc Boracay kaugnay ng umano’y mga nauumpukang komisyoner at bangka doon.

Ayon sa isang “concerned citizen” sa lugar, pati sila ay nahihirapan na rin sa dami ng mga komisyoner at bangka, kung saan sinabi din nitong mistulang “divisoria” na ang nasabing lugar.

Katunayan, isa sa kanilang mga guest din umano ang nagreklamo dahil sa hindi na ang mga ito makakapag-swimming sa takot na baka masagi ng mga nakaparadang bangka sa dalampasigan.

Samantala, sinubukan naman ng himpilang ito na kunan ng pahayag ang Chairman sa komitiba ng Tourism Industry, Trade, Economic Enterprise & Cooperatives na si SB Member Jupiter Aelred Gallenero subalit hindi pa nito sinasagot ang mga tawag.

Umaasa naman ang mga nagrereklamong establisyemento na maaaksyunan ang kanilang problema.

No comments:

Post a Comment