Posted February 28, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Sa inilabas na record ng TripAdvisor nanguna ang Boracay
sa sampung beach sa buong Asya kung saan nakuha din ng Puka beach sa Yapak Boracay
ang ika-limang puwesto.
Base sa site ng TripAdvisor ang Boracay ang itinanghal na
top 1 dahil sa linaw ng tubig nito at malapulbos na puting buhangin kung saan
inilarawan pa rito na ito ang napaka-relaxing na beach sa Asya.

Ang pagpili nito ay base sa kanilang isinagawang survey
mula sa kanilang mga readers para iboto ang kanilang mga paboritong travel
experience at mga beach na kanilang napuntahan sa Asya man o sa buong mundo.
No comments:
Post a Comment