YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, November 03, 2014

Peace and order sa Boracay nitong Undas, ‘very ok’ ayon sa DOT

Posted November 3, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

‘Very ok’ umano ang peace and order sa Boracay nitong Undas.

Katunayan, sinabi ni DOT Boracay Sub-Office Tourism Assistant Kristoffer Leo Velete na dapat purihin ang mga law enforcers sa isla katulad ng mga kapulisan, auxiliary police.

Napanatili umano kasi ng mga ito ang seguridad ng mga local and foreign tourists na dumagsa sa kaliwa’t-kanang Halloween parties sa station 1 and 2 beach front.

Kapansin-pansin na maraming resort, hotels, at establisemyento sa Boracay ang nagpasikatan sa Halloween at costume parties nitong Undas na sadya namang naging dagdag atraksyon sa ‘night life’ ng Boracay.

Nabatid na halos taun-taon na ring nagiging kakaiba ang pagdiriwang ng Undas sa Boracay dahil sa mga nasabing aktibidad na nilalahukan din ng mga sikat na artista at personalidad sa bansa.

No comments:

Post a Comment