YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, November 06, 2014

12-Guage Shotgun, tinangay ng isang Security guard kasabay ng pagtakas sa trabaho

Posted November 6, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Isang security guard sa isla ng Boracay ang tumakas sa kanyang trabaho tangay ang isang 12-Guage Shotgun Firearm na may limang ammunition.

Sa blotter report ng Boracay PNP inireklamo ni Recardo Escosia, 56-anyos ng Malinao Ilaya, Atimonan Quezon Province at presenteng nakatira sa Balabag Boracay ang kapwa nito security guard na si Jonar Janson.

Nabatid sa report ng pulisya na tinangay ni Janson ang 12-Guage Shotgun Firearm na may limang ammunition at saka tumakas.

Hinanap pa umano ng nagrereklamo ang suspek ngunit hindi na ito matagpuan sa kanyang barracks at dito rin niya na diskobrehan na maging ang gamit ni Janson ay wala na rin sa tinutuluyan nito.

Agad namang nagsagawa ng embistigasyon ang mga taga-Boracay PNP hinggil sa nasabing insidente kung saan hindi parin matunton sa ngayon ang nasabing suspek.

No comments:

Post a Comment