YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, November 05, 2014

Mahigit sampung cruise ships, inaasahan sa 2015

Posted November 5, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Patuloy na lumalago ang cruise ship tourism sa isla ng Boracay.

Katunayan, ayon kay DOT Boracay Sub-Office Tourism Assistant Kristoffer Leo Velete, tinatayang 12-15 cruise ships na naman ang nakatakdang bibisita sa isla ng Boracay sa 2015.

Nguni’t sinabi pa ni Velete na kanila pang ikukumpirma kung matutuloy lahat ang mga nasabing barko.

Samantala, nabatid na halos handa na rin ang Boracay sa pagdating ng MS Super Star Aquarius sa Huwebes, sa alas 11:00 ng umaga.

Napag-alaman din na tutungo sa Kota Kinabalu ang MS Super Star Aquarius matapos ang muling pagbisita sa isla ng Boracay.

No comments:

Post a Comment