YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, November 04, 2014

Health Policy Forum ng DOH sa Malay, malaking tulong sa lahat ng bayan sa Aklan

Posted November 4, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

May malaking tulong sa lahat ng bayan sa Aklan ang isinagawang Health Policy Forum ng Department Of Health sa Malay nitong nakaraang linggo.

Ito ay dahil sa naipaabot sa mga Akalde sa probinsya na dumalo sa Forum kung ano ang kakulangan ng kanilang bayan pagdating sa kalusugan at sa mga panganganak.

Nabatid na karamihan sa mga bayan sa Aklan ay may mga Ina parin na nagsisilang ng kanilang mga anak sa kanilang mga tahanan.

Isa sa nakikitang dahilan dito ng DOH lalo na sa mga malalayong lugar ay dahil sa kakulangan ng pasilidad ng Health Center Unit at Midwife o di kaya ay sa kahirapan na marating ang mismong bayan o pagamutan kung saan sila dapat manganak.

Base naman sa tala ng DOH na nakuha sa Aklan Provincial Health Office ang bayan ng Kalibo ang nangunguna pagdating sa wastong pagsasaayos ng kalusugan at sa pangangak.

Bagamat taon-taon itong itinatala ng DOH, nangako naman ang mga Alkalde na bibigyan nila ng pansin ang kakulangan ng kanilang bayan pagdating sa pangangalaga ng kalusugan ng kanilang mamamayan.

Malaki naman ang naging papasalamat ng mga dumalong Mayor sa Forum dahil nalaman nila kung saan at kung ano ang dapat nilang gawin para sa kapakan ng kalusugan ng bawat tao.

Samantala, ang nasabing Health Policy Forum ay bahagi ng Kalusugan Pangkalahatan (KP) Roadshow ng DOH sa bayan ng Malay nitong Oktobre 30, 2014.

No comments:

Post a Comment