YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, November 06, 2014

Korean National na nagtamo ng mga pasa sa katawan sa Boracay dahilan umano ng trespassing

Posted November 6, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Trespassing sa isang Hotel sa station 2 Boracay ang itinuturong dahilan ng pagkakaroon ng mga pasa sa katawan ng isang Korean National na natagpuang pakalat-kalat sa Boracay.

Ayon sa Boracay Tourist Assistance Center (BTAC), pumasok umano sa isang Hotel ang Koryanang nakilalang si Lee Gyeong Mi, dahilan para sitahin ito ng guwardiya ngunit ito’y nagpumiglas at nag-iskandalo sa loob ng Hotel.

Dahil sa pilit umanong pagpapalabas sa kanya at pagpigil na pumasok sa loob ay hindi napigil ng guwardiya na hawakan ito ng mahigpit dahilan para magtamo ito ng pasa sa kanyang ibat-ibang parti ng katawan.

Nabatid na ang Koryana ay wala sa kanyang wastong katinuan ng makita ng mga pulis sa labas ng isang supermarket sa Brgy. Balabag nitong nakaraang madaling araw.

Napag-alaman din na ito ay nag-iisa lamang ng pumunta sa isla ng Boracay para magbakasyon na kung saan ay pansamantalang nanunuluyan sa isang resort sa Sitio. Bolabog, Brgy. Balabag.

Samantala, palaisipan naman ngayon sa mga otoridad kung papaano ito nakapag-bakasyon sa kabila ng kanyang karamdaman na hanggang ngayon ay nasa pangangalaga ng may ari ng resort na kanyang tinutuluyan.

No comments:

Post a Comment