YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, September 23, 2014

Supervisor ng isang Spa sa Boracay, sugatan matapos magwala ang asawa ng isa sa kanyang staff

Posted September 23, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Sugatan ang supervisor ng isang spa sa Balabag, Boracay matapos magwala ang asawang lalaki ng isa sa kanyang mga staff sa lugar.

Nabatid sa blotter report ng Boracay PNP na alas otso ng kagabi nang dumating ang asawang lalaki ng kanyang staff at pinaghahanap ito.

Sinabihan umano nito ang lalaki na nakalabas na at tapos na ang duty ng kanyang asawa, subali’t ilang sandali pa ay bigla na lamang itong nagwala at sinira ang isang lamp shade doon.

Binato rin umano nito ang salamin ng pintuan, subali’t tinamaan ang nasabing supervisor.

Samantala, nang magharap naman sa himpilan ng Boracay PNP ay kaagad na humingi ng tawad ang suspek sa biktima at nangakong babayaran ang kanyang sinirang mga gamit.

No comments:

Post a Comment