YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, September 25, 2014

Singaporean national, ninakawan ng mga gadget sa Boracay

Posted September 25, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Malungkot ang sinapit ng isang lalaking Singaporean national matapos na tangayin ang kanyang back pack na naglalaman ng mga gadget sa Boracay.

Kinilala sa blotter report ng Boracay PNP ang biktima na si Tze Hao Wee, 28 anyos at nagbabakasyon sa isla.

Ayon sa biktima, iniwan nito ang kanyang itim na back pack sa beach front ng Station 1 Balabag Boracay at nakipag-usap sa isang tindero doon.

Subalit, nang balikan na nito ang kanyang bag ay hindi na umano nakita.

Nakuha sa turista ang kanyang laptop, cellphone, camera at pera na 300 Singaporean dollars.

Samantala, nagpapatuloy naman ngayon ang imbestigasyon ng mga taga Boracay PNP Station tungkol sa nasabing insidente.

No comments:

Post a Comment