YES THE BEST 911 BORACAY

Friday, September 26, 2014

Health and Sanitation Code, aprobado na sa SP Aklan

Posted September 25, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Inaprobahan na ng Sangguniang Panlalawigan (SP) Aklan ang Health and Sanitation Code para sa probinsya.

Kaugnay nito, bagamat inaprobahan ay nakatakda paring pag-usapan ng konseho at Provincial Health Office (PHO) ang ilang mga rekomendasyon na isasaalang-alang para dito.

Sa ginanap na 33rd SP Regular Session kanina, nabatid na ini-refer sa Committee on Health and Social Services ang inaprobahang panukala.

Samantala, ang Health and Sanitation ay ipapatupad upang masiguro at panatilihin ang kalinisan sa kapaligiran alinsunod sa pambansang kampanya ng Department of Health (DOH).

Mahigpit naman itong ipapatupad lalo na sa mga fast food chains at restaurant.

No comments:

Post a Comment