YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, September 23, 2014

DOT Aklan, nagpasalamat sa mga nakibahagisa FamTour

Posted September 22, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Pagod subali’t masaya.

Ganito inilarawan ng iba’t-ibang ahensya ng gobyerno at miyembro ng media ang kanilang karanasan sa isinagawang “Familiarization Tour” ng Department of Tourism (DOT) Aklan sa apat na bayan sa probinsya.

Kaugnay nito, taos puso din ang pasasalamat ng DOT sa naging suporta at kooperasyon ng iba’t-ibang grupo sa nasabing aktibidad.

Ayon kay Carina Ruiz ng DOT, layunin ng FamTour na ipakilala ang kagandahan ng iba pang lugar sa Aklan bilang bahagi ng turismo.

Samantala, nabatid na bahagi ng taunang pagdiriwang ng “Tourism Week” ang FamTour.

Ang Aklan Familiarization Tour ay isinagawa noong September 17-19, 2014 kung saan inikot ng mga taga media at kinatawan ng iba’t-ibang ahensya ng gobyerno sa Aklan ang bayan ng Madalag, Libacao, Ibajay at Malay.

No comments:

Post a Comment