YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, September 25, 2014

Mga First Aid heroes sa Boracay bibigyang parangal ng Philippine Red-Cross

Posted September 25, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay


Bibigyang parangal ng Philippine Red-Cross (PRC) Boracay Malay Chapter ang mga first aid heroes sa isla ng Boracay.

Ito ay bilang bahagi ng selebrasyon ng First Aid Month ngayong buwan ng Setyembre na ipinagdiriwang sa ibat-ibang panig ng mundo.

Ayon kay PRC Malay-Boracay Chapter Deputy Administrator John Partrick Moreno, ang mga paparangalan umano ay mula sa ibat-ibang ahensya sa isla na katuwang ng kanilang organisasyon at nominado ng kanilang mga kasama bilang isang first aid heroes.

Isa sa kwalipikasyon ng Red-Cross ay ang mga first aider na nakasagip ng buhay ng mga nalunod sa isla at nakapagbigay ng pangunahing lunas sa isang nirespondihang pasyente.

Nabatid na isasabay ang pagbibigay parangal sa gaganaping First Aid Olympics ngayong darating na Sabado sa isla ng Boracay.

No comments:

Post a Comment