YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, August 04, 2014

Regional Director Helen Catalbas, officer of the week muna sa DOT Boracay

Posted August 4, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Officer of the week muna sa DOT o Department of Tourism Boracay si mismong DOT Regional Director Helen Catalbas.

Ito ang kinumpirma ng mga taga DOT Boracay Office kaugnay sa pagdating ng kanilang senior officials na pansamantalang gagawa ng trabahong binakante ni dating DOT OIC Tim Ticar.

Magugunitang kinumpirma ni Ticar na ililipat siya sa Iloilo epektibo sa unang araw ng buwan ng Agosto, base narin sa order o utos ni Catalbas.

Kaugnay nito, isang linggo ring mananatili muna si Catalbas sa Boracay bilang officer in charge.

Samantala, nabatid na nag-iikot na rin ngayon sa isla si Catalbas at nakikipag-ugnayan sa ilang ahensya tungkol sa estado ng Flood Control Project ng TIEZA o Tourism Infrastructure Enterprise Zone Authority.

No comments:

Post a Comment