YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, August 04, 2014

Mga pamilyang apektado ng Kalibo-Numancia bridge construction na bigyan na ng tulong

Posted August 4, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Photo Credit by Aklan Forum Journal 
Natulungan na umano ng Aklan Provincial Government ang mga pamilyang apektado ng ginagawang construction ng Kalibo-Numancia Bridge.

Ayon kay Aklan District Enginner Noel Fuentebella, nabigyan na umano sila ng relocation sites sa pangunguna ni Aklan Congressman Teodorico Harisco at ni Governor Joeben Miraflores.

Nabatid na binigyan na rin ang mga ito ng financial assistance at roofing materials para mapabilis ang kanilang paglilipat.

Napag-alaman din na isang lugar sa bayan ng Makato ang pinag-aralan ng Provincial Government na gagamiting relocation sites para dito.

Samantala, nabatid na mahigit sa 25 pamilya ang apektado ng P370-million bridge project sa bahagi ng Aklan East Road ng National Government at ng Probinsya ng Aklan na target tapusin sa March 2015.

No comments:

Post a Comment