YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, August 05, 2014

Dugong na pinaniniwalaang tinaga, natagpuang patay sa station 3 Boracay

Posted August 5, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Isang Dugong o ‘sea cow’ na pinaniniwalaang tinaga ang natagpuang patay sa station 3 Boracay kaninang umaga.

Ito ang kinumpirma ni Nilo Subong ng Protected Areas and Wildlife Coastal Zone Management kaugnay sa napagkamalang dolphin na nakita ng isang nagpa-parasailing na boat man.

Ayon kay Subong, kalahati na lang ng katawan ng dugong ang nakita ng boatman sa dagat na tinatayang nasa 30-50 kilo ang bigat.

Halos tuwid na tuwid umano ang pagkakahati sa katawan ng hayop kung kaya’t posibleng tinaga ito ng tao at iniwan ang ulohang bahagi.

Paniwala pa ni Subong, maaaring napahiwalay sa ina ang dugong at nakita ng tao at tinaga.

No comments:

Post a Comment