YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, August 04, 2014

Pera ng Korean guest sa Boracay na nagkakahalaga ng 420, 000 US Dollars, ninakaw sa safety box

Posted August 4, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Masusing iniimbestigahan ngayon ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) Boracay ang reklamo ng isang Korean guest kagabi hinggil sa tinutuluyan nitong resort.

Nawawala umano kasi ang pera nitong iniwan sa safety box na nagkakahalaga ng 420, 000 US Dollars o mahigit 17 milyong piso.

Ayon sa blotter report ng Boracay PNP, humingi ng tulong ang koreanong si Chi Youn Cho, 34 anyos ng Seoul South Korea matapos matuklasang nawawala ang nasabing pera.

Lumabas lamang umano sila ng kanyang kasama at naghapunan, subali’t bukas na umano ang safety box nang kanilang madatnan.

Paniwala nito, may ibang pumasok sa kanilang kuwarto at nagnakaw ng pera.

No comments:

Post a Comment