YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, May 28, 2014

Putol na poste malapit sa Bureau of Immigration, ipapainspeksyon ni “Kap Lilibeth” Sacapaño

Posted May 28, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Ipapainspeksyon ni “Kap Lilibeth” Sacapaño ang putol na poste malapit sa tanggapan ng Bureau of Immigration sa mainroad ng Balabag Boracay.

Ayon kay “Kap Lilibeth”, responsibilidad ng utility provider na nagmamay-ari ng nasabing poste na ipaayos ito lalo pa’t kaligtasan ng mga taong dumadaan doon ang nakataya.

Pinangangambahan kasi ng publiko na maaaring tumumba ang poste at magdulot ng sakuna dahil basag na ang paanan nito.

Mapapansin ding tanging ang mga nakakabit na mga kawad na lamang ang sumasalo o umaalalay rito upang makatayo.  

Una nang beniripika ng himpilang ito sa AKELCO o Aklan Electric Cooperative kung sa kanila ang putol na poste, subali’t kanila itong itinanggi.

No comments:

Post a Comment