YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, May 27, 2014

Dahil sa “facial cream” sales lady at customer sa Boracay, nagkasakitan

Posted May 27, 2014 as of 7:00am
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Masasabi mo pa ba na “customer is always right” kung ikaw ay sinasaktan na?

Ito ang katanungan matapos na batuhin ng calculator at sabunutan ang isang 22 anyos na sales lady sa Boracay ng kanyang customers.

Nagreklamo kagabi ng physical injury sa Boracay PNP Station ang sales lady na si “Ellen” laban sa kanyang dalawang customer na therapist sa Boracay na sina “Juliet” 22 anyos at “Jackylen” 23 anyos.

Ayon sa blotter report ng Boracay PNP, bumili bandang alas syete kagabi ang dalawang therapist ng “facial cream” sa isang tindahan sa D’Mall Balabag Boracay kung saan habang bumibili ay binuksan di umano ni “Jackylen” ang isa sa mga facial cream na naka-sealed.

Dahil dito, pinagsabihan umano ito ng sales lady subalit nagalit ang customer at namagitan ang isang mainit na argumento sa kanilang dalawa.

Sa galit, kinuha umano ng customer ang calculator at ibinato sa sales lady kung saan ibinato rin pabalik sa kanya.

Ang ikinasasama pa ng loob ng sales lady ay imbes na awatin umano ng kapatid ng customer ang pangyayari ay pinagtulungan pa umano sya nitong sabunutan.

Nagtamo naman ng injury sa kanang braso at kaliwang leeg ang biktima habang nagtamo ng pasa sa kaliwang mata ang isa sa mga customer.

Ang nasabing kaso ay ine-refer ngayon sa Brgy. Justice System ng Balabag Boracay.

No comments:

Post a Comment