YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, May 27, 2014

Menor de edad, isinugod sa ospital matapos mahagip ng speed boat sa Boracay

Posted May 27, 2014 as of 7:00am
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Kaagad na isinugod sa isang ospital ang 16- anyos na binata matapos na aksidenteng mahagip ng isang speed boat kahapon ng hapon sa Boracay.

Ayon sa report ng Boracay PNP, magtatanghali kahapon nang ang nasabing binata ay nangingisda umano sa bahagi ng So. Cagban Manoc-manoc Boracay 100 meters southwest of Angol Point Manoc-manoc nang aksidenteng mahagip ng speed boat.

Aksidenteng tinamaan ang binata ng propeller sa kaliwang braso dahilan upang kaagad na isugod ito sa isang ospital sa bayan ng Kalibo para sa kaukulang medikasyon.

No comments:

Post a Comment