YES THE BEST 911 BORACAY

Sunday, May 25, 2014

Mga mag-aaral ng Barangay Balabag, nakatanggap ng libreng school supplies

Posted May 24, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Nakatanggap ng libreng school supplies ang mga mag-aaral ng Barangay Balabag nitong umaga.

Pinangunahan nina Island Administrator Glenn SacapaƱo at ng kanyang may-bahay na si Balabag Barangay Captain Lilibeth SacapaƱo ang pamimigay ng mga gamit pang eskwela sa mga mag-aaral mula sa Day Care Center, Elementary, at High School.

Ayon kay “Kap Lilibeth”, birthday gift nila sa mga bata ang mga lapis, papel, ball pen, note book, eraser, fastener, at iba pa, nang magdiwang ng kaarawan ang kanyang mister at apo kasabay ng Boracay Day nitong nakaraang Linggo.

Nabatid na mahigit-kumulang 150 naka repack na mga gamit-eskwela ang naipamigay sa mga nasabing mag-aaral.

No comments:

Post a Comment