YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, May 29, 2014

Dolphin, nakitang patay sa Manoc-manoc Boracay

Posted May 29, 2014                               
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Naagnas na nang makita ang isang dolphin kanina sa isang dive site sa Station 3 Manoc-manoc Boracay 500 metro ang layo mula sa shoreline.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG) Boracay Sub- Station, natagpuan ang nasabing dophin dakong alas otso y medya kaninang umaga na may laking 20 pulgada, 42 inches in length at may bigat na 57 kilos.

Sinasabing, may isa o dalawang araw ng namatay ang dolphin kung saan tinitingnan din ang anggulong posibleng nahagip ito ng mga dumadaang sasakyang pandagat dahil sa nakitang gasgas sa buntot.

Samantala, etinurn-over naman ng Coastguard ang nasabing dolphin sa Boracay Solid Waste Action Team (BSWAT) para sila na ang maglibing dito.

No comments:

Post a Comment