YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, March 03, 2014

Provincial government, minamadali na ang pagpapatayo ng NBI satellite office sa Aklan

Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Minamadali na ng provincial government ang pagtatayo ng Satellite office ng National Bureau of Investigation (NBI) sa probinsya ng Aklan.

Ito’y para maibsan na ang hirap ng mga Aklanon na kailangan pang pumunta sa Iloilo para iproseso ang kanilang NBI Clearance.

Katuwang ng provincial government dito ay ang Public Employment Service Office (PESO), para sa mas mabilis na proseso at pinadaling pag-aaplay.

Napag-alaman na karamihan sa mga Aklanon na kumukuha ng NBI Clearance sa probinsya ng Iloilo ay natutulog magdamag sa side walk malapit sa tanggapan ng NBI para lang makapila ng mas maaga.

Kamakailan lang ay nag-palabas ng advisory ang PESO tungkol sa step-by-step process ng NBI clearance applicants.

Samantala, ang provincial Capitol at ang NBI ay gagamitin ang pamamaraang ito hanggang sa ang bagong NBI system ay maitatag at ang satellite office sa Aklan ay maipatayo.

No comments:

Post a Comment