YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, March 04, 2014

Lalaking nagmomotorsiklo sa Boracay, bumangga sa truck dahil sa naghahabulang aso

Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Hindi lamang sa long beach problema ang mga asong gala kungdi maging sa kalsada ng Boracay.

Katunayan, isinugod sa isang pagamutan sa isla ang isang lalaki, matapos bumangga sa isang truck sa main road ng So.Ambolong Manoc-manoc nitong Sabado ng gabi.

Ayon sa report ng Boracay PNP, nagmamaneho ng motorsiklo si Tupaz Aronin papuntang barangay Balabag, nang mapansin nito ang dalawang asong gala na naghahabulan at papunta sa kanyang direksyon.

Umiwas sana umano ito sa dalawang aso, subali’t sa nakahintong truck ito bumangga.

Dahil dito, nagtamo ng pinsala sa katawan ang biktima, dulot ng nasabing insidente.

Matagal na ring nanawagan sa mga kinauukulan ang publiko at maging ang mga stake holders dito, kaugnay sa mga asong gala sa isla, lalo pa’t isang tourist destination ang Boracay.

Matatandaan ding patuloy na ikinakampanya ng LGU Malay sa mga nag-aalaga ng aso na maging responsible pet owners.

No comments:

Post a Comment