YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, March 04, 2014

2 Korean national, umano’y nabiktima ng snatching sa Boracay

Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Kasalukuyan parin sa ngayong iniimbestigahan ng mga taga Boracay PNP station ang insidente hinggil sa di umano’y panibagong kaso ng snatching sa Boracay.

Ang biktima, dalawang babaeng Korean national na nakilala sa blotter report ng pulisya na sina Ye Eun Han, 28 at Kim Ye Jin, 25 ng Kangwondo Seoul South Korea.

Ayon sa mga biktima, naglalakad umano ang mga ito sa main road ng Balabag Boracay malapit sa hotel na kanilang tinutuluyan, nang may isang hindi kilalang lalaki ang lumapit sa kanila.

Laking gulat na lamang umano ni Ye Jin nang biglang hinablot ng nasabing lalaki ang dala-dala nitong handy bag, kung saan naglalaman ng kanilang mga gamit tulad ng cellphone, perang nagkakahalaga ng mahigit tatlong libong piso at dalawang visa cards.

Agad naman umanong humarurot ng takbo ang suspek sa hindi malamang direksyon dala ang kanilang mga gamit.

Samantala, nabatid rin na mahigpit ngayon ang ginagawang pagmamanman ng mga taga Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) hinggil sa mga kaso ng nakawan sa isla lalo na ang snatching.

No comments:

Post a Comment