YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, March 03, 2014

Father Nonoy Crisostomo ng HRP Boracay, ikinatuwa ang suporta ng pamahalaan sa mga Ati sa isla

Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Ikinatuwa ngayon ni Father Nonoy Crisostomo ng HRP Boracay ang suporta ng pamahalaan sa mga Ati sa isla.

Sa ginanap na ocular inspection ng mga taga NTWG o National Technical Working Group sa isla nitong Biyernes, kung saan binisita din ang mga taga Ati Community sa Tulubhan, Manoc-manoc.

Sinabi ni Crisostomo na masaya ito dahil sa ipinakitang aksyon ng pamahalaan lalo na tungkol sa lupang matagal nang inaasam-asam ng mga nasabing katutubo.

Maliban kasi sa pagbisita ng mga taga NTWG sa mga Ati, tiniyak rin ni DILG Secretary Mar Roxas ang buong pwersa umano ng pamahalaan ang magbabantay sa seguridad ng mga ito.

Samantala, maliban sa pagbisita sa Ati Village, binisita rin grupo ang lugar kung saan binaril si Ati Spokesperson Dexter Condez kung saan nag-alay ng dasal ang mga Ati, mga taga HRP Boracay at ilang indibidwal na sumusuporta sa Ati Community sa isla.

No comments:

Post a Comment