YES THE BEST 911 BORACAY

Friday, May 17, 2013

Pagkapanalo ni Aklan congressional candidate Teodorico Haresco, “trending” sa Kalibo

Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

“Trending” ngayon sa bayan ng Kalibo ang pagkapanalo ni congressional candidate Teodorico Haresco.

Bagay na inabangan at pinagpistahan din ng mga taga-lokal na media sa Aklan ang nasabing eksena.

Bandang alas-singko kahapon ng umaga nang mangyari ang proklamasyon sa mga nanalong mga kandidato sa Aklan, partikular ang sa hanay ng congressional candidates.

Sinaksihan naman ng mga taga-Sangguniang Panlalawigan Session Hall ang nasabing proklamasyon na doon mismo ginanap.

Lumakas lalo ang usap-usapan maging dito sa bayan ng Malay, kung saan maging ang himpilang ito ay nakatanggap ng kaliwa’t-kanang katanungan mula sa publiko.

Ayon sa report mula sa Kalibo, Aklan, nangibabaw ang nakuhang boto ni Haresco sa kanyang katunggaling si Antonio Maming ng United Nationalista Alliance (UNA).

Base naman sa official na resulta mula sa Comelec Malay, lamang din sa total number of votes si Haresco laban kay Maming.

No comments:

Post a Comment