YES THE BEST 911 BORACAY

Sunday, May 12, 2013

Mga PCOS Machine sa buong bayan ng Malay plastado na

Ni Edzel Mainit, YES FM Boracay

Ilang araw pa bagong ang eleksiyon, pero plastado na noong Biyernes pa lang, a-diyes ng Mayo, ang mga PCOS machine sa mga polling places sa buong bayan ng Malay.

Sapagkat noong Biyernes ng umaga pa lang ay inihatid na sa mga polling precinct sa 17 barangay sa bayan na ito ang mga makinaryang gagamitin para sa May 13, 2013 elections para sa araw ng Lunes na halalan.

Sa testing at sealing ng PCOS noong Biyernes ng umaga na ginawa sa bawal presentong pagbobotohan ay nabatid mula sa Malay Comelec Office na wala umano silang nakitang nagka-problema dahil maayos naman umano ang lahat nang subikin kung gumagana ang 35 PCOS machines sa mga barangay sa Malay. 

No comments:

Post a Comment