YES THE BEST 911 BORACAY

Friday, May 17, 2013

Mga bagong halal na mga kandidato sa Malay, susuportahan ng BFI

Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Susuportahan ngayon ng mga stakeholders ng Boracay ang mga bagong halal na kandidato sa bayan ng Malay.

Ayon kay Boracay Foundation Incorporated Dionesio Salme Sr., susuportahan nila ang mga pulitikong nanalo, dahil para din umano ito sa ikabubuti ng bayan ng Malay lalo na sa isla ng Boracay.

Inaasahan naman umano nito na tutulong ang mga bagong halal na kandidato dahil ito naman ang kanilang ipinangako.

Umaasa din umano si Salme na tutulong sa alkalde ang mga bagong halal na ito, para sa ikakabuti ng Malay, lalo pa’t kasama nila ang LGU sa Boracay Beach Program.

Mensahe pa nito na sana’y matupad nila ang kanilang mga ipinangako noong sila’y nangangampanya pa lamang.

No comments:

Post a Comment