YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, May 15, 2013

Mga nanalong kandidato sa Boracay, nagbunyi!

Ni Christy Dela Torre, YES FM Boracay

Dalawang araw matapos ang May 13, 2013 Midterm Elections, tila nakahinga na ng maluwag ang mga kandidatong tumakbo ngayong halalan.

Sa isla ng Boracay at buong bayan ng Malay ay naging mainit ang labanan ng mga kandidato partikular na sa posisyon bilang councilor.

Ngunit, sa mismong araw ng halalan ay tila naging kalmado din ang mga ito hanggang sa matapos ang halalan at mai-proklama ng Comelec ang mga nanalong kandidato.

Samantala, kahapon, Mayo a-14, kapansin-pansin na kaliwa’t-kanan ang ginagawang pasasalamat at pagbubunyi ng mga pulitikong nailuklok sa posisyon, lalo na yaong mga nanatili sa posisyon bilang Sangguniang Bayan Member.

Base sa pakikipanayam ng himpilang ito sa ilang mga nanalong councilor at doon na rin sa mga baguhang kandidato, sinabi ng mga ito na makakaasa ang kanilang mga botante na hindi umano masasayang ang botong kanilang ipinagkatiwala sa mga ito.

No comments:

Post a Comment