YES THE BEST 911 BORACAY

Sunday, May 12, 2013

Dahil sa abala na, Comelec Malay, wala ng oras mag-baklas pa ng mga poster

Ni Edzel Mainit, YES FM Boracay

Ibinalik na naman ang mga poster ng kandidato sa ipinagbabawal na mga lugar ng Comelec.

Ito ang inamin ni Malay Comelec Officer Feliciano Barrios sa panayam dito.

Aniya, nakarating na rin sa kaalaman ng Comelec  ang bagay na ito, kung saan sa mga lugar na binaklasan na ng kumisyon dito sa Boracay ay muling sinabitan na naman umano ng mga poster ng politiko.

Bagay na tila ikina-dismaya ng Comelec Officer ang pangyayaring ito.

Pero dahil sa abala na umano sila ngayon sapagkat sa darating na Lunes na ang eleksiyon ay wala na aniya silang oras pa para mambaklas ng mga poster ngayon.

Matatandaang dalawang linggo pa lang ang nakakalipas ng nambaklas ang Comelec Malay sa pangunguna ni Barrios at kapulisan dito sa Boracay kung saan ang sasakyang van umano na ginamit nila ay halos napuno na ng mga campaign paraphernalia at poster ng kandidato mula sa iba’t ibang bahagi ng islang ito na hindi common poster area. 

No comments:

Post a Comment