YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, July 19, 2012

Pagpapailaw sa mga access roads sa Boracay, binigyang pansin ng SB Malay


Ni Malbert Dalida, News Director, YES FM Boracay

Dahil sa mga nangyayaring insidente at kriminalidad sa Boracay, binigyang pansin na ngayon ng SB Malay ang pagpapailaw sa madidilim na bahagi ng isla, partikular sa mga access road katulad ng sa Mt. Luho sa barangay Balabag.

Kung saan ang bagay na ito ay iginiit ni SB Member Wilbec Gelito sa sesyon kahapon, lalo na’t may mga street lights na palpak at hindi umiilaw sa gabi.

Bagay na pinuna ni Gelito ang mga naturang poste ng ilaw kung papaanong hindi na ito napapakinabangan.

Samantala, kaagad namang nagsuhestiyon si Vice mayor Ceciron Cawaling na kaagad tawagin ang atensyon ng barangay at ang komitiba ng turismo tungkol dito.

Baka naman kasi, ayon kay Cawaling, ay ninanakaw na maging ang kuryente ng mga streetlights na ito.

Matatandaang ang matagal nang hinaing ng mga residente at turista tungkol dito ay inilatag kahapon sa sesyon bilang hamon ni SB Member Welbic Gelito kung saan sinabi nitong kung nais umanong mapangalagaan ng Boracay ang pagiging World’s Best Island nito ay kailangang bigyang pansin ang seguridad ng isla laban sa mga kriminalidad.

No comments:

Post a Comment