Malaki ang naging partisipasyon ng Boracay Foundation
Incorporated (BFI) sa anumang narating ngayon ng Malay at Boracay.
Isa na rito ang mahaba-haba at mabusising pakikipaglaban sa
proyektong reklamasyon ng pamahalaang probinsya ng Aklan.
At ang labang ito ay nagbunga na, matapos ipag-utos ng Korte
Suprema nitong nagdaang Huwebes na tuluyan nang ihinto ng probinsya ang
apatnapung ektaryang reklamasyon sa Caticlan, bagay namang ikinatuwa ng lokal na pamahalaan ng Malay ang
nasabing desisyon.
Kaugnay nito, sinabi kanina sa sesyon ni SB Member Rowen
Aguirre na nararapat lamang kilalanin din ng LGU Malay ang pakikipaglabang ng
BFI sa karapatan ng bayang ito , sa pamamagitan ng isang komendasyon.
Samantala, kaagad namang sinang-ayunan ng mga miyembro ng
konseho ang naturang proposisyon ni Aguirre.
Matatandaang ang BFI ay nakipaglaban kasama ng LGU Malay sa
naging pamamaraan ng pamahalaang probinsya sa paglatag ng naturang proyekto at
sa animo’y kawalan nito ng respeto sa kapangyarihan ng lokalidad dito.
No comments:
Post a Comment